Agosto 2013
Matapos ang pagmuni-muni at pagpaplano sa tag-araw, muling tumaas ang level ng aking online activities habang bumababa ang temperatura… at doon isinilang ang Winnipeg Pinoy.
Naisip na ito ay magiging isang pamayanan para sa mga Pilipino sa Winnipeg, Manitoba at mga nakapalibot na munisipyo / lungsod lalo na’t dahil tayo ay nagiging isang hindi maikakailang puwersa na humuhubog sa kinabukasan ng ating bagong tahanan dito sa Canada. Maaari mong basahin ang tungkol sa vision na iyon sa orihinal na post noong 2013 dito.
Sa sumunod na ilang taon, ang Winnipeg Pinoy ay isa lamang sa mabibilang na mga online na grupong Pilipino na nag-uulat sa mga lokal na kaganapan at takbo ng komunidad, pag-popost ng mga trabaho at pagkokonekta sa mga mamimili at nagbebenta, at mga katulad na karaniwang gawain online.
Marami sa mga ganitong aktibidad ang naging mahusay na natutugunan ng mga lumalaking online na grupo tulad ng 204 Filipino Marketplace sa Facebook na ngayon ay may 43,000+ miyembro, at Manitoba BM na nasa Facebook din para naman sa mga nag-aaplay na lumipat sa Manitoba na may malapit sa 13,000 miyembro.
Ang pag-uulat ng kaganapan sa komunidad ay natutugunan naman ng mga tradisyunal na channel tulad ng Mantioba Filipino Journal at CKJS 810 AM radio.
Naiibang Layunin
Habang patuloy na lumalaki ang pamayanang Pilipino sa Manitoba, kailangan ng isang tinig na hindi lamang tungkol sa pag-uulat sa mga kwento na mahalaga sa mga Pinoy, o pagpapadali ng mga koneksyon batay sa mga pangangailangan at kagustuhan.
Kailangan ding marinig ang mga pananaw na maaaring hindi sikat, o kahit na talagang mahirap marinig at tanggapin.
Lumipat tayo sa Winnipeg para sa isang mas mabuting buhay.
- Hindi upang ipagpatuloy ang parte ng ating kultura na atin nang iniwan dahil hindi umobra para sa marami sa atin.
- Hindi upang i-transplant ang isang dysfunctional na paraan ng pamumuhay na hindi katugma sa kultura ng Canada.
- Sa halip, nais nating mag-ambag kung anumang pinakamahusay na maaaring ialok ng mga Pilipino sa ating bagong tahanan.
Nais nating mag-ambag kung anumang pinakamahusay
na maaaring ialok ng mga Pilipino
sa ating bagong tahanan.
Ito ay isang pagkakataon upang magsimula muli. Para sa mga Pilipino na nagsisikap na maging mas mahusay sa kanilang bagong buhay na malayo sa Pilipinas, ang sariwang reboot na ito ay para sa inyo.
Nilalayon ng Winnipeg Pinoy na mag-alok ng ibang pananaw para iyong isaalang-alang, at malaman mo na hindi ka nag-iisa sa iyong paglalakbay patungo sa iyong pangarap na buhay.
Oo, kaya natin ito…Yes, we can Win this Pinoys!
Isa ka ba sa iilan na hindi pa sumusuko at sa halip ay naghahanap pa rin ng mas mahusay na kaparaanan?
Kaya ikaw ay isang WinPinoy. Bumalik ka rito tuwing Huwebes para sa isang bagong post (Miyerkules para sa bersyong Ingles).
Mas mainam kung mag-subscribe sa pamamagitan ng email o sundan ang Winnipeg Pinoy sa Facebook o @Winnipeg Pinoy sa Twitter para hindi ma-miss ang kahit na anong kaganapan.
Kita-kita muli sa susunod na Huwebes.