Kung ikaw ay tumira na sa labas ng Pilipinas, malamang ay naranasan mo na na madaling makapagpalagayang-loob sa kapwa Pilipino kahit saan pa mang rehiyon o pangkat etniko nabibilang ang bawat isa. Ito’y napatutuhanan ko sa dalawang pagkakataon na ako’y nangibang bansa sa mahabahabang panahon: limang taon sa silangang baybayin ng Estados Unidos at ngayong dalawang taon dito sa Winnipeg.
Itong pagkahilig nating makisalamuha sa kapwa Pinoy ay hindi eksklusibo sa ating lahi. Sa katunayan, ito ay natural sa lahat ng tao, anumang grupo o lahi. Nangangailangan ng conscious effort para makisalamuha sa ibang lahi dahil ito ay labas sa ating comfort zone. Sa kabilang banda, kumportable tayong lapitan ang taong may katulad na background, wika at karanasan.
Bakit Winnipeg Pinoy? Kung madali na ngang mag-ugnayan at magkalapatan ng loob ang mga Pilipino, kailangan pa ba ang isang website o online na komunidad ang mga Pinoy sa Winnipeg? Ang sagot ay tahasang “Oo”.
Ngunit hindi nangangahulugan na tinataguyod ng Winnipeg Pinoy ang pagiging eksklusibo. Sa halip, matindi ang aking pagsang-ayon na ang paglabas sa ating ethnic group, katulad ng paglabas natin sa ating comfort zone, ay nararapat at kinakailangan para mabuhay ng wasto, masagana at maligaya dito sa Canada.
Bakit Winnipeg Pinoy? Patuloy na lumalaki ang populasyon ng mga Pilipino dito sa Winnipeg at sa iba pang lugar sa Manitoba. Dahil dito,
- mas malaking hamon ang pakikipag-ugnayan, at mas madaling magkawatak-watak kung walang lugar o kaparaanan para sa layuning makapagbuklod-buklod;
- marami nang pangangailangan ang kaagad matutugunan, lalo na para sa mga bagong dating, sa loob pa lamang ng komunidad;
- ang mga Pilipino sa Winnipeg ay nagiging paborito o mas gustong mamimili, manggagawa o katransaksiyon ng mga negosyo dito sa Canada.
Bakit Winnipeg Pinoy? Bakit hindi? Ating pang himay-himayin at liwanagin itong bagong kapangyarihan ng mga Pinoy bilang isang pangkat sa susunod na blog.
If you’ve lived away from the Philippines for a considerable period of time, you’ve probably experienced our natural tendency to be drawn towards fellow Filipinos regardless of what region or ethnicity they came from. I validated this when I lived in the East Coast of the United States of America for five years and now here in Winnipeg for two years.
But this is not an exclusive trait of Filipinos. It is a human tendency to be drawn towards people of similar backgrounds, language and experiences. In general, it takes conscious effort to go out of our way and interact with people outside our ethnic group. This is not to say that Winnipeg Pinoy advocates exclusivity. In fact, I am in total agreement that it is necessary to go out of our ethnic groups, just like moving out of our comfort zone, to be able to live a full, prosperous and happy life here in Canada.
Why Winnipeg Pinoy? As the Filipino population continues to increase here in Winnipeg and Manitoba in general, it becomes more challenging to create a bond among us. We need to be aware that we have reached a point where Filipino-Canadians in Winnipeg have become a significant voice/force/market that can no longer be ignored. In fact, Filipinos have become preferred customers, workers and persons to deal with by many businesses.
Let’s talk more about this new voice to be heard, force to be reckoned with, and market to be captured in the next blog.