Ang view mula sa aming silid-tulugan ay ang bumabagsak na sariwang basang snow ngayong Nobyembre ng umaga. Tinatanong ko sa aking sarili “Bakit Winnipeg?”
Habang maraming nagtataka kung bakit kami ay nasa isang malamig at mahangin na lugar sa gitna ng kawalan na mayroon pa naman sigurong ibang pagpipilian, ngunit para sa amin malinaw ang desisyon.
Mga sampung taon na ang nakalilipas nang maramdaman namin na oras na para sa radikal na pagbabago at nais naming bilisan. Ang pagpapasyang lumipat sa Winnipeg ay resulta ng pag-uugnay ng mga kadahilanan at ito ang naging praktikal na solusyon.
Ang Dahilan
Tulad ng maraming mga Pilipino sa Winnipeg, ang aming pangunahing dahilan ay ang Manitoba Provincial Nominee Program (MPNP) na nagawang mas padaliin ang pagmigrate dahil ang kwalipikasyon ay batay sa background at koneksyon (ang pamilya ng aking kapatid ay nauna rito noong 2009) at ang proseso ay mabilis.
Pangalawa at kasinghalaga ay dahil ang Canada, para sa amin, ay ang may pinakamagandang reputasyon at pinaka nakahanay sa aming values kumpara sa ibang bansa sa aming listahan ng pinagpipilian.
Dahil ako ay nanirahan ng limang taon sa timog ng hangganan ng Canada sa Upstate New York, at dahil din sa pagbisita sa Montréal at Guelph isang Christmas break mula sa graduate school sa panahon ding iyon, aking napagpasyahan na ang malamig na klima ay isa lamang na maliit na inconvenience.
Ang Kalamangan ng Canada
Mas matimbang ang edge ng Canada bilang isang mas bukas at multicultural na lipunan na pinahahalagahan ang inclusiveness, social safety net at pag-aalaga sa kapaligiran at mayamang heritage kaysa sa kita at mga imperyalistang ambisyon.
Kaya’t naging pinto ang Winnipeg sa aming bagong simula dito sa Canada noong 2011. At hindi kami binigo ng “Friendly Manitoba” at aming nararamdaman na kami’y mapalad at kami’y naririto.
Sa iyong palagay, kabayan, bakit ka mapalad na ikaw ay nasa Winnipeg?